Online app para mas mabilis na pagresponde at paghatid ng tulong, ilulunsad ng pamahalaang bayan ng Irosin

Ilulunsad ng pamahalaang bayan ng Irosin ang online application para mas mapabilis umano ang kanilang pagresponde at paghatid ng tulong sa kanilang mamamayan.

Ang proyekto ay tinagurainag PROJECT RAMDAM.ph o Relief Allocation Management, Distribution and Monitoring.

Sa pamamagitan aniya ng nasabing online application, madali nilang malalaman ang mga residenteng nangangailangan ng tulong sa oras ng kalamidad.

Gayun din ang kalagayan ng mga relief goods at operation ng bawat barangay.

Mas mapapadali rin ng pamahalaang bayan ang pagkuha ng mga datos ng mga residente sa bawat barangay.

Kasama sa mabibigyang benepisyo o prayoridad ng nasabing programa ay ang mga kabataan, kababaihan at mga PWDs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *