Online registration sa Olongapo para sa mga kabataang magpapabakuna kontra covid19, uumpisahan na

Uumpisahan na ang pagrerehistro ng mga kabataan sa olongapo na target bakunahan kontra corona virus disease.

Ito ay para maihanda na ang listahan ng mga unang ipapatawag sakaling matanggap ng Olongapo ang go signal at ang mga bakuna mula sa Department of Health.

Matatandaan, iminungkahi ng Vaccine Czar Sa Inter-Agency Task Force Against Covid-19 na payagan nang bakunahan ang mga edad dose hanggang 17-anyos dahil marami nang naimbak na vaccines ang bansa.

Ayon kay City Health Officer Dr.Doods Bustamante, online registration ang bubuksan ng Olongapo para sa mga kabataan lalot marami sa mga ito ang kabisado ang paggamit ng internet at social media. // Chrisitian Andres – BNFM Olongapo

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of 4 people, child and text that says 'PREVENT THE EARLY SIGNS! Headache Persistent Coughing Runny Nose Fever Sore Throat Power Cells Tuldukan HERBALCASE CAPSULE ang sakit!'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *