Human Interest

Operasyon pumalya, lolo na nagpaopera naputulan ng maling paa

Naging tila bangungot sa isang 82-anyos na lolo ang kanyang operasyon sa isang ospital sa Austria matapos na maling paa ang maputol sa kanya.

Ayon sa Freistadt Clinic, human error ang nangyari kung saan imbes na kaliwang paa ang dapat na puputulin ay ang kanang paa ng pasyente ang naputol.

Saka lamang napagtanto ang pagkakamali nang papalitan na ng benda ang sugat sa pinutol na paa.

Ayon sa ospital, maling paa ang mamarkahan na dapat na puputulin. Nangako naman ang pamunuan nito na sisiyasatin nila ang insidente at rerepasuhin ang kanilang patakaran.

At upang maibsan ang epekto nito sa mental well-being ng pasyente ay nag-offer ang ospital ng psychological assistance para rito.

May karamdaman kasi umano ang lolo na nakaapekto na sa kaliwang paa nito kaya kinailangan nang putulin pero hindi inaasahang dalawang paa ang mapututol sa kanya.

Matapos kasi na magkamali, kinailangan muling isalang sa operasyon ang pasyente para putulin ang paang apektado ng karamdaman.#

BNFM Bicol

Recent Posts

Taiwan – muling niyanig ng magkakasunod na lindol

Muling niyanig ng magkakasunod na lindol ang Taiwan. 'Di pa rin natatapos ang serye ng…

3 mins ago

P15.5B na disaster relief fund, naka standby para sa El Niño

Tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) ang suporta ng pamahalaan para sa mga…

22 mins ago

Pilipinas, hindi pa umano handa sa paggamit ng nuclear power plant

Maraming nang mga bansa na ang naging bukas sa paggamit ng nuclear power dahil na…

24 mins ago

Political amendment sa Saligang Batas, malaki ang maitutulong sa paglaban sa gutom – senador

Binigyang-diin ni Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, Chairperson, Senador Robin Padilla…

29 mins ago

China, hinamon ng isang kongresista na tumupad sa kasunduan sa Amerika para umiwas sa “miscalculations”

Ikinalugod ni Cagayan De Oro City Second District Representative Rufus Rodriguez ang pangako ni US…

35 mins ago

GenSan dili pa makadeklara og ‘state of calamity’ dungan sa nasinatiang El Niño

WALA nakita sa mga opisyal ang pagpailawom sa GenSan sa state of calamity luyo sa…

38 mins ago