Opisyal ng gobyerno sa India, ipinadrain ang isang dam para makuha ang nahulog nitong cellphone

Isa ang cellphone sa pinaka importanteng materyal na bagay na kailangan ng isang tao sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ito’y dahil bukod sa puwede mo itong dalhin kahit saan, ito na rin ang pangunahing pundasyon ng komunikasyon sa kasalukuyan.

Dahil sa sobrang halaga ng cell phone sa isang food inspector at isa ring government official na si Rajesh Vishwas, ipinadrain nito ang isang dam sa Chhattisgarh dahil sa mga mahahalagang files umano rito na kung saan aksidenteng nahulog ito habang nagseselfie.

Sa una ay humingi na siya ng tulong sa mga divers ngunit, bigo ang mga ito na mahanap ang telepono kaya naman ay biglang nagdesisyon ang opisyal na ipadrain ang dam sa tulong ng impluwensya nito na tumagal ng tatlong araw.

Nang makuha ang cellphone ay hindi rin naman na ito mapakinabangan dahil sa hindi na ito gumagana.

Kaya naman, talagang binatikos at tinuligsa ang government official dahil dalawang milyong litro lang namang tubig ng dam ang inaksaya nito.

Sa ngayon, sinuspinde na ito ng local na pamahalaan sa kaniyang posisyon dahil sa mga reklamo laban rito. |WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *