Opisyal ng Philippine Navy aktibong ‘donor’ sa ginawang ‘Dugo sa Ka-Brigada 2022’

Masayang inihayag ng isang opisyal ng Phil. Navy ang kanyang boluntaryong pagdonate ng dugo sa isinagawang Blood Letting Activity ng Brigada News FM sa Brgy. Puro Covered Court Legazpi City.

Ayon kay P03 Mercy Moyo ng Phil. Navy, naniniwala siya na  simpleng pag-bigay ng dugo ay makakapagbigay na siya  ng sumpay-buhay sa kapwa nya na nangangailangan ng Type B+.

Aniya, ito ang kanyang ika-2 beses na pagbigay ng dugo sa Blood Letting Activity o Dugo para sa KaBrigada 2022. Samantala, nagpapasalamat  si Moya sa Brigada News FM  dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatulong na  makapag-bigay ng dugo sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *