Ordinansang susuporta sa implementasyon ng Anti- Obstruction of Power Line Act babalangkasin ng Sangguniang Bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Babalangkas ng isang ordinansa ang Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte na susuporta sa implementasyon ng Anti- Obstruction of Power Line Act.

Resulta ito ng ginawang committee meeting ng konseho nitong Miyerkules, December 7 kaugnay sa hiling ng Camarines Norte Electric Cooperative na maipatupad ang naturang batas sa tulong ng isang local ordinance.

Dumalo sa naturang pagpupulong ang kinatawan ng Canoreco para pag usapan ang naturang usapin.

Matatandaan na sumulat kamakailan si Canoreco General Manager Zandro Gestiada sa naturang legislative body na humihiling na tulungan silang na maipatupad ang Anti Obstruction of Power Line Act.

Ayon kay Gestiada patuloy na nagsasagawa ng massive clearing operation ang naturang kooperatiba ng kuryente para masiguro ang “service reliability.”

Kadalasan na ang rason umano ng power interruption sa kanilang franchise area ay ang mga sanga ng kahoy na malapit sa kanilang mga linya.

Sa ngayon ay mayroong mga umiiral na batas at ordinansa patungkol dito.

Ito nga ang Republic Act 11361 o Anti Obstruction of Power Line Act na may titulong “An Act ensuring the continuous and uninterrupted transmission and distribution of electricity and protection of the integrity and reliability of power lines and providing penalties for violations thereof at National Electrification Administration Summary ng naturang batas.

Ang Camarines Norte ay mayroong ipinasang Provincial  Ordinance noong 2017 patungkol sa pagpuputol, clearing and planting of trees sa ilalim ng existing secondary, primary at sub- transmission line ng Canoreco para sa proteksyon ng buhay at ari- arian ng mga taga Camarines Norte at maiwasan ang biglaang pagkawala ng kuryente.

Nais ni Gestiada na matulungan sila ng LGU para maipalaganap sa mga tao huwag magtanim ng mga puno sa loob ng required safety clearances ng overhead lines.

Mahalaga umano ito para maiwasan ang power tripping at higit sa lahat ay proteksyon sa buhay at ari- arian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *