Oxford: walang ebidensya na hindi gagana ang mga bakuna vs Omicron

Inihayag ng University of Oxford na wala itong nakikita na ebidensya na hindi gagana ang mga bakuna laban sa severe disease na maaring idulot ng Omicron.

Gayunman, sinabi ng Oxford na handa na ito na mag-develop kaagad ng updated version ng AstraZeneca vaccine sakaling ito ay kailanganin.

Ayon sa unibersidad, limitado pa ang datos kaugnay sa Omicron.

Tiniyak naman ng Oxford na maigi nitong ie-evaluate ang epekto ng variant sa vaccine shot.

Ipinunto naman ng unibersidad na sa kabila ng pagsulpot ng mga bagong variants nitong nakalipas na taon ay patuloy na nagbibigay ng high levels of protection ang mga bakuna laban sa severe disease.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *