OZ 2022 National championship, ginanap sa Albay gulf na sakop ng Legazpi City noong Pebrero 26 at 27

Legazpi City- Hindi nga ikakaila na ang Legazpi City ay isa sa pinaka sikat na siyudad sa buoung Bansa, dahil sa taglay nitong ganda, hindi lang ang atraksyon nitong mga pasyalan, industriya at mga Legazpenong magiliw at mababait at ang taglay nitong ganda ng karagatan.

Upang ibalik nga ang turismo sa ating siyudad, ibat ibang akitibidades ang inilulunsad, alisunod sa covid 19 protocol.

Noong nakaraang sabado nga nagkaroon ng dalawang araw na SAIL BOAT COMPETITION, Pebrero 26 at 27 , umabot sa 31 OZ boats sailors ang dumating at sumali, galing sa Subic, Batangas at Manila, tinawag ang competition na OZ GOOSE 2022 National Championship.

Sa pangunguna ng isang konsehal ng nasambit na siyudad ito ay naisakatuparan, katuwang ang Philippine boat builders yacht club, department of tourism, lgu at iba pang mga sponsors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *