P 10 per kWh na singil sa kuryente, ipinangako ni Gov.Tamayo oras na ipaubaya ng SOCOTECO 1 ang pamamahala sa kooperatiba sa provincial govt

KORONADAL CITY- HADLANG sa pagpasok ng mga investors sa lalawigan ng South Cotabato ang mataas na singil sa kuryente lalo na sa mga lugar na sakop ng South Cotabato Electric Cooperative ukon SOCOTECO 1.

Ito ang inihayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr pagkatapos ng mga dayalogo at meetings nito sa mga Chinese, Malaysian at Korean investors na pumupunta sa lalawigan at gustong magpatayo ng mga processing plant.

Ang pagpapapasok ng maraming investors ay isang paraan ng provincial government upang mapaunlad pa ang ekonomiya at maka-generate ng mas maraming trabaho para sa mga residente.

Dahil dito, nananawagan ang gobernador sa pamunuan ng SOCOTECO 1 na kung hindi ng mga ito kayang pababain ang singil sa kuryente ay ipaubaya na lamang sa provincial government ang pamamahala sa kooperatiba sa ilalim ng Provincial Government Owned and Controlled Corporation o PGOCC.

Oras na maturn-over sa provincial government, pinasiguro ni Tamayo na sa loob lang ng anim na buwan ay pagsisikapan nitong mapababa ang singil sa kuryente sa P 10 per kilowatt hour mula sa kasalukuyang P 15 hanggang P 16.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *