P 3.7 million na halaga ng sentinel package, ipinamahagi ng DA 12 sa mga tinamaan ng ASF

KORONADAL CITY – NAKATANGGAP ng sentinel package mula sa Department of Agriculture o DA region 12 ang mga munisipyo sa rehiyon na tinamaan ng African Swine Fever o ASF.

Aabot sa P 3.7 million na halaga ng interventions ang ipinamahagi ng DA sa ilalim ng Livestock Program.

Nakinabang dito ang 75 mga backyard hog raisers sa Kabacan, Matalam, Mlang at Tulunan.

Kabilang sa package ang sentinel pigs, feeds, disinfectants at biological supply.

Ito ay pinondohan sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Program ng DA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *