P105-M na ayuda, naipamahagi na ng DSWD sa mga Mayon-affected residents

Nagbabala ang Presidential Communications Office (PCO) sa mga nasa loob ng 8- kilometer-radius na nakapalibot sa Bulkang Mayon na maging handa matapos magtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng tumaas na aktibidad mula sa summit crater ng bulkan.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), umabot na sa P105,632,444.84 halaga ng humanitarian assistance ang naibigay ng DSWD, local government units (LGUs), nongovernment organizations (NGOs), at iba pang kasosyo sa mga apektado ng aktibidad ng bulkan.

Nasa 9,876 pamilya o 38,376 katao mula sa 26 na apektadong barangay sa Bicol region ang apektado.

Sa pagtataya ng DSWD, nasa 5,360 pamilya ang kasalukuyang nasa 26 evacuation centers sa rehiyon, habang 408 pamilya naman ang pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kaibigan o kamag-anak. // YMB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *