P12-trillion na utang  ng bansa, haharapin ng susunod na uupong presidente ayon sa isang bikolanong kongresista

BNFM BICOL – Inihayag ni Re-Electionist Albay Second District Rep. Joey Salceda sa kanyang Facebook post na posibleng humarap sa isang malaking problema ang susunod na uupong Presidente partikular ang P12-Trillion na utang ng bansa sa world bank.

Ayon kay Salceda, ang pandaigdigang ekonomiya ng Pilipinas ay bumagal dahil sa kinakaharap na pandemya kasabay rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa supply chain at isyu rin sa produksyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Aniya, ang unang paaran upang masolusyonan ang problema ay ang pagbigay ng tuon sa agrikultura upang mabawasan ang inflation rate sa bansa.

Samantala, sa kabila nito ibinahagi ng kongresista na nagkaroon sila ng maikling pag-uusap sa telepono ni VP Leni Robredo, kung saan nagpasalamat aniya sakanya ang pangalawang pangulo sa kanyang kontribusyon at suporta nitong nakaraang Halalan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *