P13M na pondo para sa dancing water fountain ng Naga city idinagdag na sa COVID-19 vaccine fund

NAGA CITY- Inaabangan na ng maraming Nagueño ang sana’y Dancing Fountain sa renovated Plaza Rizal ng Naga City ngunit sa ngayon hindi na muna ito matutuloy dahil sa paglaban sa COVID-19.

Hiniling ni Mayor Nelson Legacion sa konseho ng Naga na i-revert na ang P13M na pondo upang magamit sa COVID-response base na rin sa rekomendasyon ng maraming Nagueño. Naaprubahan ito ng Sanguniang Panlungsod. Ang P13M ay idadagdag sa P50M na pambili ng bakuna, gayundin sa iba pang medical supplies na kailangan sa patuloy na paglaban sa pandemya.

Pagpupunto ng opisyal, makakahanap pa naman ng pondo sa ibang mga panahon, kailangan lamang unahin ang COVID-vaccine.

Binabalanseng maigi  ng LGU ang paggastos lalo pa’t bukod sa pagtugon sa krisis na dala ng  pandemya maraming mga programa at proyektong hindi dapat maiwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *