P217-M halaga ng tulong sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro, naipamahagi na

Mahigit sa P217 milyong halaga ng financial at iba pang uri ng assistance ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro.

Ayon kay DSWD Asec. Romel Lopez, kabilang na dito ang relief goods at non food items.

Mahigit sa 178,000 katao ang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro at mga kalapit na lugar.

Ayon sa datos ng DSWD, 37,871 pamilya o 178,306 indibidwal ang apektado  ng oil spill sa  Calabarzon, Mimaropa, at isang bahagi ng Western Visayas.

Samantala, nasa P58.5 milyon din ang naipamahagi sa ilalim ng cash-for-work program ng gobyerno.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Palasyo noong Marso, naglaan ang DSWD ng P116 milyon para sa 18,762 apektadong mangingisda na nag-avail ng “cash-for-work” program nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *