P3.00 umento sa pamasahe ihihirit ng ilang transport group

Posible umanong humiling ng hangang P3.00 na dagdag pasahe ang ilang transport group matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon kay PASANG-MASDA President Obet Martin batid nilang mahirap para sa mga pasahero ang dagdag pamasahe pero wala umano silang ibang magagawa dahil sa sunod-sunod na oil-price hike.

Subalit pwede naman umanong maiwasan ang dagdag pamasahe kung magbibigay ng subsidiya ang pamahalaan sa mga tsuper.

Iginiit ni Martin na kapag tumaas ang pamasahe siguradong magkakaroon ito ni domino effect at pagtaas ng mga bilihin.

Nabatid na aabot sa P1.40 ang naka-ambang umento sa presyo ng diesel na magiging epektibo bukas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *