P33K na buwanang sahod sa mga gov’t employees, isinusulong sa Kamara

Ipinapanukala ngayon ng grupo ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc na patasin ang minimum na buwanang sahod ng mga kawani ng Gobyerno.

Nag-file ng bill sina House deputy minority leader ACT-Teachers party-list Rep. France Castro, at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, kasama sina dating Bayan Muna representative Ferdinand Gaite, Santiago Dasmariñas ng grupong COURAGE at Jerome Adonis ng Kilusang Mayo Uno.

Sa ilalim ng House Bill No. 6560 o ang National Minimum Monthly Salary in Government Act, pinatataas sa P33,000 ang minimum na sahod ng mga entry-level positions sa Gobyerno.

Sa oras na maisabatas – magiging uniform na ang implementasyon nito sa lahat ng mga tanggapan ng Gobyerno sa buong bansa kahit na ano pa man ang classificaiton ng isang empleyado.

Ibig-sabihin, kahit na contractual, Job Order, o part-time ang status ng isang government employee ay makatatanggap ito ng P33,000 na monthly salary.

Titiyakin din sa panukala ang sapat na compensation at allowances sa mga barangay officials mula sa Kapitan, mga kagawad, hanggang sa chairperson ng Sangguniang Kabataan at mga barangay secretary at treasurer.

Magkakaron din ng otomatikong pagre-review sa adjustment ng sahod kada taon.

Matatandaang nagdaang linggo lamang nang igiit ng iba’t ibang grupo na itaas sa P33,000 ang kanilang sahod.
#

READ MORE:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *