Pag-gamot sa Delta variant cases, hindi naiiba mula sa COVID-19 patients – DOH

Ipinaliwanag ni treatment czar Health Undersecretary Leopoldo Vega na hindi naiiba ang mga protocol at treatment na ginagamit sa covid-19 patients na tinatamaan ng Delta variant sa bansa.

Ayon kay Usec. Vega, bagama’t mas maraming viral load ang delta variant na naiiwan sa isang taong kinapitan nito kumpara sa ibang variants ng covid-19, hindi pa rin aniya nagbabago ang paraan ng panggagamot sa lahat ng covid-19 patients.

Samantala, kasabay nito, nilinaw din ng kalihim na kahit pa bakunado na kontra covid-19 ay hindi ibig sabihin na hindi na mahahawa ng virus at hindi na mahahawa ng iba.

Kaugnay nito, ang importante ayon kay Vega kapag nabakunahan na, mayroon nang anti-bodies ang isang indibidwal laban sa virus kahit ano pang variant.

Sa katunayan aniya, sa mga naitalang kaso ng delta variant sa bansa, mild lamang ang sintomas ng karamihan sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *