Pag-usbong ng Delta variant, di malaking factor sa herd immunity target ng PH- expert

Di umano dapat mabago ang ultimate target ng bansa na mabakunahan ang 70 percent ng populasyon sa katapusan ng taon dahil sa pag-usbong ng local cases ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay vaccine expert Dr. Rontgene Solante, di naman malaking factor ang Delta variant para magkaroon ng pagbabago sa target ng pamahalaan. 

Kasabay nito, nanawagan naman si Solante sa publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 para maprotektahan ang kanilang mga sarili pati na ang komunidad laban sa virus at sa Delta variant.

Dagdag pa ni Solante, di pa kailangan ng booster shot  dahil nagsasagawa pa ng pag-aaral kung magkakaroon ng breakthrough infections sa mga fully vaccinated individuals. 

Aniya, sang-ayon sya sa pagbabawal sa mga menor de edad na lumabas ng bahay sa gitna ng presensya ng Delta variant ngayong wala pang COVID-19 vaccine para sa mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *