Pagbaba sa performance ng ilang mag-aaral sa isang pampublikong paaralan sa Tigaon, Camarines Sur, epekto ng matinding init ng panahon

CAMARINES SUR – Napag-alaman, ang biglang pagbaba sa performance ng ilang mag-aaral sa San Rafael National High School, epekto ng matinding init ng panahon.

Ayon kay Jeric Nuelan, Teacher 1, sa sobrang init ng panahon na nararanasan nila may mga mag-aaral nang hindi na gaano nakakapag-focus sa pag-aaral, kulang ang mga electric fan, at ilan sa silid-aralan maliit pa, kaya maging kalusugan ng mga eskwela at guro apektado na.

Kung kaya para kay Nuelan, magandang interbensyon na maibalik na sa dati ang school year lalo na para sa kapakanan kan mga mag-aaral. Ang paaralan naman tiniyak na hindi nagpapabaya, at gumagawa ng mga hakbang upang mabawasan ang init na nararanasan ng mga estudyante. Ngayon balik normal na ang klase.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *