Pagbuhay muli sa Juban Schistosomiasis Task Force pakay ng pagbisita ng RITM sa nasabing bayan

SORSOGON CITY – Muling pagbuhay sa Schistosomiasis Task Force  sa tatlong mga barangay sa bayan ng Juban na kinabibilangan ng Guruyan, Buraburan at Bacolod, ito ang naging pakay ng pagbisita sa nasabing LGU ng Research Institute Tropical for Medicine (RITM) – Legazpi Satellite Region V at mga kinatawan ng Provincial Health Office gayundin sa ginanap na diyalogo sa tanggapan ng alkalde na si Gloria Alindogan.

Bukod pa rito, ini-lobby din ng mga ito ang mga usaping sanidad gaya ng problema sa Filariasis at Schistosomiasis na kasama sa Neglected Tropical Diseases, maging ang problema sa Dengue at Malaria at mga posibleng aktibidad o programang pangsanidad at kalusugan.

Naging positibo naman ang resulta ng pag-uusap, kung saan tiniyak ng Chief Executive na kaniyang susuportahan ang mga programang idinulog ng naturang mga ahensya na ayon sa kanya ay nakapaloob din sa kanyang 7G Program sa ilalim ng ‘Glow-Juban’ na naglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Jubangnon at GREEN Juban na may layuning mapanatili ang kalinisan at sanidad upang makaiwas sa mga sakit na maaaring maiwasan sa maagang pag-agap. 

Ang Schistosomiasis o Snail Fever ay isang uri ng sakit na maaring makuha mula sa paglusong sa tubig-tabang kung saan nabubuhay ang parasitikong ‘Schistosoma’ o fluke sa dugo na nabubuhay at namamalagi sa daluyan ng dugo at sa bituka ng tao o hayop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *