Pagdami ng pamilyang mga nakatira sa River Bank sa Naga City pinoproblema pa rin ng CDRRM

NAGA CITY  – Pinoproblema pa rin ng City Disaster Risk Reduction Management Office ang lalo pang pagdami ng populasyon na nakatira sa river bank o tabi ng ilog sa Naga City.

Occupied na ng mga informal settlers ng ilang bahagi ng ilog ayon kay Ernesto Elcamel ang head ng CDRRMO partikular na sa Barangay Triangulo, Mabolo pati na rin sa Concepcion Pequeña.

Bukod pa ito sa mga creek na halos natakpan na rin ng mga bahay, kaya madaling magkaroon ng pagbabaha sa lungsod, kahit sa ordinaryong  pag-uulan lamang.

Sa kanilang paglilibot sa naturang mga barangay natuklasan nilang may isang pamilya na mayroon 14 na miyembro ang nagkanya kanyang nagtayo ng bahay sa tabi ng ilog, katabi ng iba pa.

Ang problemang ito ay matagal na rin nilang pinag-usapan nina Engr. Alexander Caning ang head ng City Engineering at ng City Environment and Natural Resources Office, na hinahanapan nila ng solusyon.

Wala pa namang silang nakikitang lugar na puwedeng paglipatan ng mga ito sakaling paalisin.

Binigyang-diin pa ni Elcamel na malaki ang papel ng mga barangay opisyal hinggil sa isyong ito na dapat aniya hindi pinayagan ang mga itong gawing tirahan ang tabi ng ilog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *