Paghaharap sa barangay ng dating mag-live in, nauwi sa pananaksak

Sugatan ang isang Jorie Gellada Palabrica, 31 anyos na residente ng Purok Bagong Sigla, Brgy. Tacras matapos siyang saksakin ng live-in partner ng dati umano niyang kinakasama sa Barangay Ipilan Narra Palawan ganap na 9:30 ng umaga kahapon, ika- 20 ng Oktubre 2022.

Kinilala ang suspek na si Bedwin Lapit Duga, 32 anyos, residente ng Sitio Balintik, Brgy. Ipilan.

Sa ulat ng PNP, nagharap sa Barangay si Bedwin Lapit Duga at ang dating kinakasama nito tungkol sa kustodiya ng kanilang anak.

Sa imbestigasyon ng PNP, selos ang naging metsa ng krimen na naganap habang naroon ang mga opisyal ng barangay.

Nagtamo ng sugat sa likod si Palabrica na agad dinala sa pagamutan, habang mabilis na inaresto ng mga tanod si Bedwin na nahaharap sa reklamong Frustrated Murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *