CIDG Albay “double time” sa pagtugis sa Gilbert Concepcion Criminal Group

LEGAZPI CITY – Double time ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Albay ang paghuhuli sa Gilbert Concepcion Criminal Gang Group sa Libon upang mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima at may biktima rin umano na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang mga ito.

Ayon kay PMaj. Dave Abarra, ang head ng CIDG Albay, kailangan makipagtulungan ang komunidad upang masugpo ang nasabing criminal group.

Aniya, kung walang ibinibigay na impormasyon ang mga residente ay hindi basta ito makakapag-operate sa lugar upang hulihin ang nabanggit na grupo.

Maliban pa rito, hindi rin kakayanin ng mga awtoridad kung hindi rin susuporta ang Local Government Unit (LGU).

May mga barangay na rin ang natatakot na magsumbong sa awtoridad dahil sa maaaring malagay sa peligro ang kanilang buhay.

Sinabi ng opisyal, hindi lang naman ang CIDG ang gagawa ng operation dahil katuwang nito ang NBI, Army at Libon mps laban sa Gilbert Concepcion Criminal Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *