Pagiging malungkot – valid reason para mag-leave sa isang kumpanya sa China

Tayong mga Pilipino ay uso ang sick leave bilang rason para lumiban sa trabaho at gumala.

Aba’y sa isang pamilihan sa China pinapayagan ang kanilang mga empleyado na mag-leave dahil sa kalungkutan.

Sa naturang kompanya, binibigyan ang kanilang mga empleyado ng sampung araw na ‘sad leave’ kung malungkot ang mga ito at wala sa kondisyon para magtrabaho.

Ang nasabing leave ay hindi pwedeng i-reject ng kanilang mga managers dahil paliwanag ng may-ari ng kompanya, bahagi ng human nature ang pagiging malungkot.

Ito lamang umano ay nagpapakita ng pagkakaroon ng work-life balance.

Dahil dito ang mga empleyado ng nasabing kompanya ay mayroong 40 annual leave maliban pa sa limang araw na day off tuwing Chinese new year.

Saad naman ng ilang mga netizens ay bitin ang nasabing leave habang ang iba naman ay napa-‘sana all’ na lamang.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *