Pagkakasangkot umano ng ilang barangay opisyal sa iligal na droga sa Camarines Sur at Naga City, under validation pa – PDEA CAM. SUR

CAMARINES SUR – Under validation pa, ang pagkakasangkot muli sa iligal na droga ng ilang Barangay Opisyal, may Kapitan pa, sa Camarines Sur lalo na sa Naga City, kung sila ba ay pusher, users o protector.

Ito ang napag-alaman kay Provincial Director, Mark Anthony Viray, ng Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA Camarines Sur, matapos ang ilang sumbong at base na rin sa report ng kanilang mga intellegence officer, na dapat sana ang mga barangay opisyal ang nakakatulong sa paglaban sa iligal na droga, bilang pagsisiguro na rin.

Kaya nga ayon pa sa opisyal, may mga ginagawa silang training na magbibigay ng kaalaman sa mga barangay opisyal upang makatugon at maasksyunan ang ganitong sitwasyon at iba.

Samantala, nitong nakaraang buwan, higit isang milyon ang nakumpiska ng PDEA sa mula sa pag-dismantel sa tatlong drug den, at labing dawala ang naaresto sa iligal na droga sa nasabing operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *