Paglalagay ng microchip sa mga alaga at anti-rabies vaccination ng Olongapo nagsimula na muli

Nagsimula na muli ang Olongapo City Veterinary Office sap ag-iikot sa labing-pitong baranggay ng lungsod.

Ito ay para sa paglalagay ng microchip at anti-rabies vaccination ng mga alagang aso at pusa.

Ayon kay City Veterinarian Dr. Arnold Lopez, madaling nakikilala ang may-ari ng aso at pusa na nakabitan na ng microchip kapag ito ay naligaw o nahuli ng mga tauhan ng barangay o ng city dog pound.

Ngayong taon ay kabilang ang New Kababae, New Ilalim, West Tapinac, Banicain at Asinan sa may kasamang microchipping habang ang ibang mga baranggay ay naka-iskedyul sa mga susunod na taon.

Samantala, sakaling hindi makarating sa araw ng iskedyul sa mga baranggay ay maaari pa ring paturukan ng anti-rabies ang alaga ng libre sa opisina ng City Veterinary sa Brgy. Sta. Rita.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: OLONGAPO CIC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *