Pagbaba ng bigas, ipapatupad sa susunod na linggo

Inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) na ipapatupad ang
Executive Order No. 39 ni Pangulong Bongbong Marcos na nagtatakda ng price cap sa bigas simula September 5, 2023.

Magsisimulang ipatupad ang naturang kautusan kapag nailathala na ito sa mga pahayagan na may pambansang sirkulasyon.

Ayon sa executive order, hindi lalagpas sa P41 ang presyo kada kilo ng regular mille na bigas habang P45 naman kada kilo sa well-milled rice.

Dahil dito, naniniwala si Federation of Free Farmers Cooperatives national manager Raul Montemayor na maaring pansamantalang tumigil ang ilang negosyo na hindi kakayanin ang itinakdang presyo ng gobyerno.

Samantala, pinaniniwalaan naman ng Kilusang Mangbubukid ng Pilipinas (KMP) na may kakayahan pa ang pamahalaan na ibaba ang price cap kung susundin ang rule of thumb sa pagtatakda ng presyo ng bigas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *