Cong. Salceda muling nanawagan sa senado sa pagpasa ng Department of Disaster Resilience Act

Legazpi City– Muling nanawagan si Albay Rep. Joey Sarte Salceda sa Senado na ipasa agad ang Department of Disaster Resilience (DRR) Act, matapos ang mapaminsalang pananalasa ni Typhoon Odette sa Central Visayas at Northern Mindanao nitong nakaraang Huwebes sa mga lugar na hindi sanay sa malalakas na bagyo.

Pinuna ni Salceda na siyang House Ways and Means Committee chairman at may-akda ng DDR Act, na gaya ng ginawa ni Odette, wala ng lugar sa bansa ang masasabing ligtas sa malalakas na bagyo dahil nagbago na nga ang klima.

Naipasa na ng Kamara ang DDR Act (HB 5989) noong Setyembre 21, 2020 kung saan umani ito ng napakataas na 241 boto.

Itinuturing itong pinakamahusay na balangkas ng bansa laban sa natural na mga kalamidad, kasama na ang pandemya. Paulit-ulit na sinertipikahan na rin ito ni Pangulong Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *