Pagpirma ng courtesy resignation kahapon ng 67 mga heneral at colonel ng NCRPO, boluntrayo at walang naging pilitan

Boluntaryo at walang naging pilitan ang pagpirma ng 67 mga heneral at colonel ng National Capital Region Police Office sa kani-kanilang copurtesy resignation

Ito ang naging sagot ng NCRPO sa panawagan ni DILG Sec. Benhur Abalos na courtesy resignation sa gitna ng isyu na may mga matataas na opisyal ng PNP ang sangkot umano sa iligal na droga.

Magkakasunod na dumating sa multi-purpose hall sa Camp Bagong Diwa sa Taguig sina Maj. Gen. Jonnel Estomo at iba pang mga opisyal.

Sabi ng NCRPO, lahat ng courtesy resignation ay isusumite sa tanggapan ni Abalos at sa tanggapan ng Pangulo.

Pinuri naman ng DILG ang lahat ng matataas na opisyal ng PNP na nagsumite ng kanilang courtesy resignation sa gitna ng “internal cleansing efforts” ng ahensya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *