Pagtaas sa 5% ng contribution sa PhilHealth – tuluy na tuloy na ngayong taon

Tuloy na tuloy na ang contribution hike para sa mga miyembro ng PhilHealth ngayong taon.

Sa pulong balitaan – sinabi ng PhilHealth na hindi na mapipigilan pa ang pagtaas ng mandatory premium rate mula sa 4%, papuntang 5%.

Alinsunod pa rin ito sa Universal HealthCare Act.

Sa kabila nito, sinabi ni PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma ay bukas pa rin sila sa posibleng suspension ng rate hike.

Aniya, sakali mang mag-isyu ng order of suspension ang Malacañang ay agad silang tatalima rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *