National

Palasyo: Duterte, di pa nakatangap ng kanyang 2nd dose ng Sinopharm jab

Kinumpirma ng Palasyo na hindi pa nakakatanggap si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang second dose ng Sinopharm COVID-19 vaccine, dahil hinintay pa umano nito ang emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, kaya kumuha ang Department of Health ng EUA ay para gamitin sa 1,000 donated na Sinopharm, kung saan kasama rin umano dito ang second dose ng pangulo.

Matatandaan na noong Mayo nang matanggap ni Duterte ang kanyang first dose, sa kabila na ang naturang bakuna ay wala pang EUA, bagama’t nagbigay ang FDA ng compassionate use para sa Presidential Security Group.

Dahil sa mga batikos, hiniling ni Duterte sa China na bawiin nalang ang 1,000 Sinopharm shots na ibinigay sa Pilipinas.

Pero noong Lunes, inaprubahan na ng FDA ang aplikasyon ng DOH para sa emergency use ng Sinopharm’s COVID-19 vaccine. // MHEL PACIA -TRINIDAD

BNFM National

Recent Posts

Marian Rivera, nag-ala Marimar sa ‘Asoka’ TikTok trend

Pinaalala ng aktres na si Marian Rivera na siya pa rin ang top Pinoy content…

15 mins ago

EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena…

28 mins ago

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

36 mins ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

39 mins ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

46 mins ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago