Pamahalaang panlalawigan ng Catanduanes naglabas ng  bagong ‘travel guidelines’ ngayong nasa ilalim ng Alert level 3 ang probinsya

BNFM BICOL—Simula ngayong araw ng Martes, Pebrero 2 ay nakasailalim na sa Alert Level 3 quarantine classification ang islang lalawigan ng Catanduanes.

Bunsod nito, naglabas ng bagong kautusan ang pamahalaang panlalawigan kaugnay ng mga bagong travel guidelines na ipapatupad sa probinsya sa ilalim ng nasabing alert level.

Batay sa ibinabang Executie Order No. 4 series of 2022 ni Catanduanes Governor Joseph Cua, simula ngayong araw ay pinahihintulutan ang Intrazonal at Interzonal Travel papasok ng probinsya ngunit required ang pagsusumite ng negatibong RT-PCR test ng mga biyaherong magmumula sa mga lugar na nakasailalim rin sa Alert Level 3 o mas mataas pa.

Kinakailangan na hindi lalagpas sa 48 oras ang validity nito bago ang pagbiyahe na siya namang i u-upload sa S-PaSS system upang makakuha ng TCP o Travel Coordination Permit.

Exempted naman sa pagpapa swab test ang mga APOR na magmumula sa mga National Government Agencies.

Samantala ang mga biyaherong magmumula sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 pababa ay required lamang na mag presenta ng kanilang vaccination card habang ang mga hindi pa fully vaccinated passengers mula sa kahit anong quarantine classification ay istrikto pa ring hihingan ng negatie RT-PCR test result.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *