Pamilya ni Veloso – nagpa-abot ng sulat kay Indonesian President Widodo

Sumulat ang ina ng OFW na si Mary Jane Veloso kay Indonesian President Joko Widodo.

Ito’y kasabay ng pakikipagpulong ng Widodo kay Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw.

Sa sulat na ipinadala sa lider, sa pamamagitan ng Migrante International – muling ipinanawagan ng pamilya ni Celia Veloso na mabigyan na ng clemency ang kaniyang anak.

Aniya, dapat daw ay isaalang-alang ang dalawang anak ni Mary Jane.

Kung matatandaan – isa ang usapin sa pagpapalaya kay Mary Jane sa mga umano’y idinulog ng Pangulong Marcos kay Widodo.

Maaalalang 2010 nang isalang si Veloso sa death row dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Ngayong araw din, January 10, ang ika-39 na kaarawan ni Veloso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *