Pampanga PPO Director PCol Sarmiento, na-relieved na sa pwesto kasunod ng hulidap incident sa bayan ng Bacolor

Na-relieved na sa pwesto ang director ng Pampanga Police Provincial Office na si PCol Robin Sarmiento bilang bahagi ng command responsibility nito matapos ang umano’y insidente ng hulidap sa bayan ng Bacolor, na kinasasangkutan ng sampung pulis.

Sa ngayon tatayong officer-in-charge ng Pampanga PPO si Colonel Jonas Amparo ang dating deputy regional director for Operations ng PRO3.

Habang nag aantay pa ng NAPOLCOM order kung saan ilalagay si Sarmiento.

Kahapon, pormal nang nag courtesy call kay Pampanga governor Dennis “delta” Pineda ang bagong OIC, kasama ang bago ring itinalagang hepe ng Provincial Intelligence Unit na si PCol. Romeo.

Maaalalang inireklamo ng hulidap ang sampung pulis na nakatalaga sa PIU ng Pampanga PPO, matapos umano ang isinagawang raid sa bayan ng Bacolor.

Kinilala ang mga ito na sina Corporal Resty Delima, 33; Corporal Jayarr Macaraeg, 36; Master Sergeant Rommel Nool, 37; Patrolman Jhusua Fernandez, 27; Patrolman Bryan Steve Pasquin, 25; Corporal Alvin Pastorin, 33; Patrolman Bjay Sales, 30; Corporal Norman Lazaga, 34; Patrolman Jayson Martinez, 28; and Patrolman Jeff Cruz, 25 

Sa ngayon nahaharap na sa kasong criminal at administratibo ang sampung pulis, at pansamantalang nasa Provincial Personnel Holding and Accounting Unit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *