Pangdi-deadma ng mga newbie stars, hindi big deal – Christopher De Leon

Hindi big deal sa award-winning actor na si Christopher de Leon ang pangdi-deadma ng mga baguhang artista sa mga beteranong artista.

Ayon kay Christopher, minsan pa nga ay hindi siya pinapansin ng mga newbie stars.

Tanong ng multi-awarded actor, ‘Bakit ako dadaan-daanan, e, mas magiging mahaba ang role ko sa kanila.’

Sinabi ng aktor na kapag nasa eksena ay kailangan nilang mag-usap sa kapwa niya actors pero pagtapos naman ay papasok na lamang siya sa loob ng kanyang tent dahil ‘private’ siyang tao.

Kusa naman daw siyang lumalapit sa mga baguhan kapag kailangan niya ng tulong.

Dahil dito, nagbalik-tanaw ang aktor sa kanyang mga karanasan dati noong baguhan pa lamang siya tulad ng dapat lahat ng autograph ng mga fans ay pipirmahan, at maging magalang sa mga ka-trabaho at pati na rin sa mga fans.

Punto ni Christopher, gusto lamang niyang sabihin na napangaralan sila dati na maging marespeto.

Hula ng aktor, baka hindi na raw naturuan ng respeto ang mga baguhan ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *