Pangulo, pinuna ang sexual abuse sa OFWs sa kanyang final SONA

Pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sexual abuse laban sa mga overseas Filipino workers (OFWs) lalo na ang mga nasa Middle East.

Ayon kay Duterte sa kanyang final SONA, ang masakit para sa kanya, na kapag pumunta ang Pilipina sa naturang bansa para magtrabaho, mayroon umanong notion na kung ang mga ito binabayaran para mag-trabaho sa kanila, nagiging bahagi na ang sexual abuse sa kanilang teritoryo.

Giit ng pangulo, sumasabog siya sa galit kapag naiisip na may mga OFWs na inaabuso sa ibang mga bansa, habang ang pera na kanilang ipinapadala sa pamilya dito sa Pilipinas, ay pinambibili lang ng ilegal na droga.

Kaugnay nito, muling inihayag ni Duterte ang kanyang banta laban sa mga drug peddlers, at sinabing papatayin niya ang mga ito. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *