Panibagong species ng Lizard, nadiskubre sa Peru

Peru— Isang bagong species ng Lizard o ‘butiki’ ang nadiskubre ng mga sityentipiko sa Cotahuasi Reserve sa Ariquipa, Peru.

Batay sa inilabas na anunsiyo ng Peruvian National Service of Natural Areas Protected by the State (SERNANP), ang bagong tuklas na uri ng Lizard ay may scientific name na Liolaemus Warjantay.

Kulay dark gray ang ulo nito habang pale yellow naman ang kulay ng talukap ng mata ng mga babaeng Warjantay.

Natagpuan ito ng mga scientist partikular sa Cotahuasi Subbasin Landscape Reserve, na isang protected area sa rehiyon ng Arequipa sa Southwertern Peru.

Ang nasabing hayop ay kabilang sa genus Liolaemus  na isang South American lizard family na kinabibilangan ng nasa 280 uri ng lizard species.

Mayorya sa mga ito ay matatagpuan sa South America at may kakayahan din na maka adopt sa extra ordinary variety ng kanilang habitat.

Sa tulong at kooperasyon ng mga scientists mula sa Argentina, Chile at Bolivia, nairehistro na ang naturang bagong discovery nitong nakalipas na linggo.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *