Panukala na tutukoy sa tobacco smuggling bilang economic sabotage, lusot na sa Kamara

Aprubado na sa House of Representatives para sa third at final reading ang panukala na tutukoy sa smuggling ng tobacco, manufactured o unmanufactured, bilang large-scale smuggling o economic sabotage.

Ang House Bill 3917, ay inaprubahan sa pamamagitan ng 225 yes votes, zero no votes at walang abstentions, kung saan inaamyendahan ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, maging ang Sections 2530 at 2531 ng Republic Act No. 193 o ang Tariff and Customs Code of the Philippines.

Inilalarawan sa panukala ang manufactured tobacco, bilang mga produkto na binubuo ng loose tobacco na naglalaman ng nicotine at para sa pag-gamit sa sigarilyo, kabilang na ang mga produkto na naglalaman ng tobacco na para sa smoking, heating, puffing, oral o nasal use, habang ang unmanufactured tobacco naman ay kinabibilangan ng agricultural components na kinuha mula sa tanim na tobacco na pinoproseso para gamitin sa manufacturing ng sigarilyo at iba pang tobacco products.

Sa ilalim ng HB 3917, may kaulangan penaidad na 30 hanggang 40 taon na pagkakakulong at multa na dalawang beses ng fair value at ang aggregate amount ng buwis, duties, at iba pang charges sa smuggling ng tobacco, manufactured o unmanufactured man kabilang na ang finished products gaya ng cigars, cigarettes, o heated tobacco products.

Dagdag nito, tutukuyin din ang offenses para sa tobacco smuggling bilang non-bailable. // SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *