National

Panukalang batas na layong buwagin ang PITC at PS-DBM, inihain na sa Senado

Naghain si Senator Imee Marcos ng mga panukalang batas na nagpapabuwag sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) at Philippine International Trading Corp (PITC).

Sa kanyang Senate Bill No.2388, ipinabubuwag ang PS-DBM na nilikha sa panahon ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1978, dahil hindi na raw ito kailangan at pinamumugaran lang ng katiwalian.

Ayon sa mambabatas, tila naging fertile-breeding ground ang PS-DBM para sa katiwalian at lumagpas sa mandato batay sa natukoy na paglilipat dito ng Department of Health (DOH) ng P42 billion para magpabili ng medical supplies at hinihinala ngayong bumili ito ng overpriced sa isang kompanya na naku-kwestiyon ang kredibilidad at koneksyon.

Sa bukod nitong Senate Bill No.2389, ipinabubuwag naman ang PITC na itinatag din noong Marcos Administration noong 1973 para mangasiwa sa pakikipagkalakalan sa mga socialist at mga mayayamang bansa.

Pero ayon sa Senador, naging lipatan ito ng pondo ng iba’t-ibang ahensya para magpabili ng kagamitan o kaya naman ay magpark ng pondo na iniiwasang mapabalik sa National Treasury.

Ang PS-DBM at PITC ay bumili ng mga facemask at mga PPE na hinihinalang overpriced. //MHEL PACIA-TRINIDAD via CLAY MARQUEZ

BNFM National

Recent Posts

Marian Rivera, nag-ala Marimar sa ‘Asoka’ TikTok trend

Pinaalala ng aktres na si Marian Rivera na siya pa rin ang top Pinoy content…

54 mins ago

EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena…

1 hour ago

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

1 hour ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

1 hour ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

1 hour ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago