Paralisadong lalaki, umakyat sa tuktok ng skyscraper sa London

Nagawang akyatin ng isang paralisadong lalaki ang skyscraper sa London sa pamamagitan ng tulong ng robotic exoskeleton na siyang dahilan upang muli siyang kilalanin ng Guinness Book of World Records.

Kinilala itong si Simon Kindleysides, na nawalan ng kakayahang maglakad dahil sakanyang tumor sa utak na hindi maaaring operahan.

Ganunpaman, hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan at sa pamamagitan ng robotic exoskeleton, inakyat niya ang tuktok ng 51-palapag na Leadenhall Building sa loob ng anim na oras at 16 minuto.

Si Kindleysides ay dati nang nakakuha ng Guinness Record noong 2018, nang lumahok siya sa Virgin Money London Marathon at nakamit ang titulo para sa pinakamabilis na distansya ng marathon habang gamit ang isang robotic walking device.

Samantala, plano naman ni Kindleysides na lumahok sa London Marathon ngayong taon at umaasa na mahigitan ang sarili niyang record na 36 oras at 46 minuto.### TRIXIE BORRAS, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *