Pari nagpositibo sa Covid-19 sa Lady of Assumption sa Guinobatan Albay; simbahan isinailalim sa temporary lockdown

LEGAZPI-Isinailalim sa temporary lockdown ang Our Lady of Assumption sa bayan ng Guinobatan matapos magpositibo sa covid-19 ang isang pari mula rito.

Sa pinalabas na Public statement ng Diocese of Legazpi, si Father Rafael B. Sambajon, Parochial Vicar ng nasabing simbahan ang naging close contact ng pamilya nitong una nang napositibo sa naturang sakit.

Si sambajon umanoy nagpositibo sa isinagawang RT-PCR Test at kasalukuyan na naka isolate sa isang kwarto sa parish rectory.

Maging ang iba pang mga pari at staff ng nasabing simbahan ang naka isolate na rin at patuloy na isasailalim sa monitoring ng Guinobatan Rural Health Unit.

Samantalang isinailalim ito sa temporary lockdown para mabigyang daan ang isasagawang disinfection at contact tracing.

Samantalang nagpapasalamat naman ito sa lokal na gobyerno ng Guinobatan sa pagpapagamit ng Municipal Covered Court para sa funeral masses.

Paglilinaw din nito na mismong si Father sambajon ang nagsabi na isapubliko ang kanyang pangalan para malaman ng publiko mas lalo na sa nagkaroon sa kanya ng exposure.

Humihingi rin ito sa publiko ng panalangin para sa mabilis na recovery.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *