Pasahero ng Port of Batangas, patakaran inilatag ng Batangas City LGU

Batangas -Naglatag ang lokal na pamahalan ng mga patakaran para sa mga tatawid dagat o tutungo sa Port of Batangas na may kaukulang requirements na dapat maipakita bago makadaan sa  Batangas City.

Sa inilabas na impormasyon ni Atty. Reginald Dimacuha, Batangas City Secretary to the Mayor, sinabi dito na ang lahat ng indibidwal na magtutungo sa mga probinsya ng Oriental at Occidental Mindoro, Romblon, Iloilo at iba pa na dadaan sa Batangas Port ay kinakailangang magpakita ng S-PaSS generated Travel Coordination Permit at Travel Pass-Through Permit na aprubado ng kanilang pupuntahang probinsya o bayan bago pumasok sa Lungsod ng Batangas.

Ang mga nasabing dokumento ay hahanapin o hihingin sa border or quarantine control points at kung wala ang mga nasabing dokumento, idiniin na hindi sila makakapasok  sa Batangas City.

Ang mga quarantine control points ay matatagpuan sa exit at entry points ng Lunsod ng Batangas.

Samantala, kaninang madaling araw ang pagpapatupad din ng mahigpitang border chcekpoints sa Batangas City kasabay ng pagsasailalim sa ECQ ng NCR at ng kalapit probinsya gaya ng Laguna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *