Pasahero sa Bicol Central station asahang tataas pa; ilang bus company fully booked na pabalik ng NCR

NAGA CITY- Tataas pa ng bilang mga mga pasaherong bumababa at sasakay sa Bicol Central Station sa Naga City simula bukas Regional Military Parade, Fluvial Procession sa Sabado at sa araw ng pista Setyembre 18.

Ito ang pagtatansya ng pamunuan ng terminal, noong traslacion nakapagtala sila ng 3, 500 na pasahero kung saan 82 units ng bus ang nagamit. Mula sa arawang 2, 500 pasahero pagpasok ng Setyembre.

Ayon kay Terminal Manager Nonoy Reforsado handang magdagdag ng mga bus , biyaheng local man o patungo sa National Capital Region.

Samantala sa monitoring ng terminal dalawang bus company ang fully booked na sa Sept. 18 at Sept 19 habang ang iba naman may bakante pa sa Sept. 20 hanggang 21 pabalik ng National Capital Region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *