PBA, sisimulan ang ika-48 season sa Nobyembre

Magbubukas ng panibagong season ang Philippine Basketball Association (PBA) sa ika-5 ng Nobyembre ngayong taon.

Sa ika-48 nitong season, sisimulan nito ang laban ng powerhouse squads na TNT at Magnolia Chicken Timplados sa Smart Araneta Coliseum.

Ngunit bago ito isagawa, mamamahagi muna ang PBA ng mga parangal sa mga namukod-tangi noong nakaraang season sa pamamagitan ng 47th Season Leo Awards.

Ito rin ang unang pagkakataon na sisimulan ng PBA ang bagong season sa Commissioner’s Cup, mula sa dating Philippine Cup.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *