PBBM, bubuksan ang talakayan sa oil at gas exploration sa pakikipagpulong kay Pres. Xi sa susunod na lingo

Bubuksan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang talakayan sa joint oil and gas exploration sa pagitan ng Pilipinas at China sa kanyang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping sa susunod na linggo.

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Neal Imperial, na naniniwala si Marcos na higit na kailangan ng Pilipinas ang mga yamang langis na makukuha nito mula sa West Philippine Sea kaysa sa China.

Sa kanyang unang pagbisita sa China bilang pinuno ng estado, itataguyod ni Marcos ang soberanya at mga karapatan ng bansa sa WPS.

Ang deal ay naglalayong maiwasan ang maling kalkulasyon at maling komunikasyon sa WPS.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *