Pentagon, matipid ang sagot kaugnay sa namataang US aircraft sa Ayungin Shoal

Walang direktang sagot ang Pentagon sa mga tanong hinggil sa American aircraft na natagpuan sa nagdaang resupply mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa isang press briefing, hindi man direstahang sinagot ang mga tanong, nabanggit ni Pentagon Press Secretary Brigadier General Pat Ryder ang pagsuporta ng US sa pagpapanatili ng national sovereignty ng Pilipinas.

Ani Ryder, wala sioyang partikular na maibibigay na report pagdating sa US military assistance.

Sa kabila nito, binigyang-diin ng opisyal na masugid na nakabantay naman ang US, at nakahanda ang mga ito tumulong sakaling hilingan ng Pilipinas.

Samantala, sinabi naman ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. na ang nakitang aircraft habang isinasagawa ang resupply mission ay bahagi ng kalayaan ng US para sa navigation operations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *