Peoples Dialysis Center sa Tacurong, binuksan na

OPISYAL na na binuksan ang People’s Dialysis and Diagnostic Center o PDDC ng lungsod ng Tacurong City. Target nito na mapaibayo ang healthcare accessibility para sa mga Tacurongnons na nasa Roxas Avenue, Barangay Poblacion.

Pinondohan ni City Mayor Joseph George L. Lechonsito, ang ribbon cutting, kasama ang mga Sangunaing Panlungsod members, Rotary Club President Salvador Tuvilla Jr., City Health Officer Giovanni D. Deles at PDDC Visiting Nephrologist Dr. Danille Emerald Galang. Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Lechonsito sa ilang mga indibidwal na may malaking kontribusyon sa pagpapatayo ng PDDC.

Nagbigay din ng apat na mga unit ng dialysis machines at dialysis paraphernalia ng Rotary Club. Pinangangaunahan naman ng skilled medical professional ang nasabing mga edipisyo. Maaalala na noong Enero 16, 2024, nagsimula na sa pag-cater ng mga pasyente ang pasilidad kung saan 9 sa 26 sa mga ito ay tinututukan na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *