PGA at PDEA, lumagda sa kasunduan para sa ipapatayong drug enforcement agency building

LEGAZPI CITY – Lumagda ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol sa isang kasunduan na nagbibigay pahintulot na maggamit ng ahensiya ang lupang pagmamay-ari ng gobyerno lokal para sa kanilang itatayong gusali.

Nakapaloob sa kasunduan na maaring maggamit ng PDEA ang nasa tatlong libo’t pitong daan at anim na pung (3,760) metrong kuwadradong lupain para sa konstruksyon ng kanilang magiging opisina.

Ang nasabing kasunduan tatagal ng dalawampu’t limang (25) taon kung saan maaring muling palawigin kung kinakailangan sa pamamagitan ng panibagong kasunduan.

Kabilang sa mga pumirma sa usufruct agreement ay sina Albay Governor Atty. Edcel Greco Lagman kasama si PDEA Reg. Director Edgar T. Jubay at PDEA-Albay Provincial Officer Noe Briguel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *