PH, kinumpirma ang 116 new Delta variant cases

Kinumpirma ng Department of Health ang detection sa 116 pang bagong kaso ng Delta coronavirus variant, dahilan para tumaas ang kabuoang bilang nito sa 331.

Pero ayon sa DOH, ang mga bagong napaulat na infections ay nakarekober na.

Kaugnay nito, 95 ang local cases, isa ang returning overseas Filipino, at ang natitirang 20 ay beneberipika pa.

Ayon sa DOH, mayorya o 83 ng local cases ay may address na Metro Manila, habang ang apat ay mula sa Central Visayas, tatlo mula sa Calabarzon, dalawa mula sa Davao Region, at tig isa sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, at Ilocos Region. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *