PH, nakahanap ng kakampi matapos ang Ayungin incident

Nakakuha ng suporta ang Pilipinas mula sa ibang mga bansa, matapos ang Ayungin Shoal incident.

Sa isang pahayag, sinabi ng gobyerno ng United States na patuloy ang kanilang suporta sa kanilang mga kaalyado, sa gitna ng tensyon sa pinag-aagawang South China Sea.

Ayon kay US State Department spokesperson Ned Price, naniniwala ang US na ang aksyon ng People’s Republic of China sa pag-gigiit sa kanilang expansive at unlawful South China Sea maritime claims ay banta sa peace and security sa rehiyon.

Babala ni Price, ang armed attack sa public vessels ng Pilipinas sa South China Sea ay makakasira sa US mutual defense commitments sa ilalim ng Article IV ng 1951 US-Philippines Mutual Defense Treaty.

Parehong sentimyento rin ang inihayag ng Australia, at iginiit na tuloy ang kanilang pakikipagtrabaho sa Pilipinas hinggil sa maritime issues.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *